Turnback Tuesday#10 Layag
Tweet
Tuesdays, as you all should know by now, is the "personal" entry day for LovingSunshine. This week, instead of giving you a hint of my weekly reflections, I will be sharing with you something I wrote in 2007. I'm not a huge fish in terms of writing but what I do when I write, is I immortalize whatever feeling I am soaking in for a particular moment. Sometimes, I get intimate enough with another person for someone entirely separate from my being to understand the real message behind my every written word... but the thing is, to me, the important and essential goal of writing is expressing the self. As long as I was able to share a part of me, whether or not any other person understands my message (or even if I myself forget the message behind my lines); the important thing is I shared.
Sharing is important. We are all blessings in our own forms, and it is very important that we do not practice greed and deny the world of our unique touch.
Here goes. "Layag".
Mikomae: Bu, nasan ka?
Naglalakad ako mag-isa papuntang PHAN dahil maagang natapos ang klase ko, na isang magandang bagay. Habang ako’y papalayo nang papalayo sa pinanggalingan ko para kong nararamdamang pinipilit ko na lang ang sarili ko na marating ang nais mapuntahan. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang layo ng PHAN. Nilayuan nito ang Mass Comm. Kung bakit, hindi ko talaga alam.
Marahil dahil sa baliw na pag-iisip, kinausap ko ang sarili habang naglalakad. Salita lang ako ng salita. Ang dami kong nasabi pero walang nakarinig sa akin. May sarili akong mundo, at dala-dala ko ito palagi, kahit saan man ako magpunta, o di kaya’y maligaw. Oo. Kahit dito sa mundong inuupahan ko’y dala ko ito.
Gusto kong makalimot pero nakakatawang isiping hindi naman katagalan ang nangyari--hindi karamihan ang nangyari--na kung tutuusin ay sa sobrang bilis ay wala pa dapat akong pinaghihirapang makalimutan. Wala pa dapat nabuong pilit kong maiwanan. Pero gaya ng sabi ng marami, maraming namamatay sa maling akala. May nabuo rito. Napansin ko lang 'yon nang bigla itong ginutom.
Masaya ang ilang araw na iyon. Masyado akong naging masaya.
Wala. Wala naman akong hinihiling na kapalit. Talagang nangyayari lang na minsan ay nagkakagusto ka sa isang tao nang may dahilang tatawagin mong wala. Hindi mo siya gusto dahil maganda ngiti niya; hindi mo siya gusto dahil maganda siya; hindi mo siya gusto dahil may ginawa siyang gusto mo; at hindi mo siya gusto dahil gusto mong maging kayo. Yung kung bakit mo siya gusto, kung saan yun nag-uugat, hindi mo magagawang matukoy. Basta gusto mo siya. Wala ang dahilan. Hindi na ito kailangan. Basta gusto mo siya. Tapos. Kung bakit, hindi mo mahuhugot kahit saan. Yung pagkagusto naman, hindi mo magagawang maikaila, maging sa sarili.
Napatigil ako sa paglalakad. Wala ka naman talaga sa tanaw pero pakiramdam ko ikaw yung nakikita ko. Hindi kita nagawang titigan ng husto para mamemorya nang sukat na sukat ang bawat detalye mo hanggang sa magkaroon ng sapat na alaala upang makita ka sa halip na makita ang kawalang dapat sana’y kinalalagyan mo. Hindi kita matabunan. Lagi kang lumilitaw.
Nag-iba ang lakad ko; mas bumigat ang bawat hakbang. Alam ko, ay hindi, pakiramdam ko’y napansin mong nagmukha akong may sasabihin, at tama ka dun. Meron talaga akong dapat sasabihin pero gaya nang nangyari, wala akong sinabi. Sa totoo kasi’y ang daming nakapila rito. Hindi ko alam kung paano at kung saan sisimulan.
Nalampasan kita pero tumigil pa rin ako para tawagin ka.
“Sai, galit ka ba sa’kin?”
Siguro tumigil ka rin kasi hindi ko na marinig ang dapat sana’y natatapakan mong mga tuyong dahon. Hindi ko naman magawang lingunin ang isang bagay na para sa’yo’y alam mong totoong totoo’t buhay na buhay para lang makitang imahinasyon mo lang ang lahat. Nag-baka sakali na lang ako na siguro nga’y tumigil ka rin. Nanahimik kasi ang paligid.
“…ha? Hindi.”
Ginaya ng utak ko ang paligid. Kamangha-mangha, iilan lang ang taong kayang mapatahimik ang utak kong mas madaldal pa sa’kin.
“Ako rin. Hindi ako galit sa’yo”
Tinuloy ko ang paglalakad papuntang PHAN. Pagkatapos kong masabi ang hindi ko nararamdaman, naglakad na ako ulit. Walang paa-paalam. Hindi ko yun kaya.
Gumaan ang bawat hakbang ko. Dagdag pa’y naging mas malapit ang PHAN. Tinigil na yata nito ang paglayo.
Ginawa ko ang dapat kong gawin sa PHAN. Nang natapos ako’y wala na akong ibang maisip na dapat gawin kundi ang umuwi. Pauwi na ang kundisyon ko sa sarili.
Habang papuntang shed ay naisip kong isulat ‘to. naghanap ako ng mauupuan sa sunken at nagsimulang magsulat hanggang sa hindi ko na makita ang sinusulat ko. Gabi na.
2870: Natigil na ang iyong Globe UNLITXT.
Nakalimutan kong may taning nga pala yun.
Wala na akong masabing dagdag. Wala na rin akong load. Uuwi na ako. Tumigil na sana sa paglayo ang gusto kong uwian.
Rosal, Mela: Bahay.
022007
Apologies for my international readers! Next week I'll share something in English. :)
I have to say, I still can not see your blog in internet explorer. I'm surfing on Chrome now, but I haven't been by your blog because of that... the switching back and forth, and all my bookmarks are in IE not Chrome. I apologize. I was nice to see your comments.
ReplyDelete